Hithit Buga (2009)

Two weeks ago napaka stressful, hectic, nakakadepress at nakakapagod ang mga pinagdaanan ko. Ang daming school work gaya ng seminar, reporting, tests, projects sumunod pa ang final examinations at ang personal na problema at problema sa pamilya. GRABE! Para bang halo-halong ingredients sa isang kumukulong tubig sa kawali. Akala ko di na ako makaka-move on sa lahat ng yon buti na lang nagtiwala ako kay BRO. Laking pasasalamat ko dahil hindi niya ako pinabayaan sa mga problema ko.

Bago magfinals nangangamba nakong makatanggap ng tumatagingting at mamula-mulang 5 sa TATLONG subjects ko. Yung tipong ang pakiramdam ko ay isa akong convicted na malapit ng bitayin. Pero pwera biro, akala ko talaga makakatanggap ako ng singko mabuti na lang talaga laging may pag-asa. Sa awa at sa tulong ni bro isama pa ang pagsisikap na mag-aral at matapos lahat, napasa ko ang tatlong subjects ko ng walang bahid na pulang tinta.

Naipasa ko rin ang iba ko pang natitirang subjects maliban sa isang pa-importanteng prof na hindi pa nagpapa-exam kahit nagbigayan na ng class cards. Ewan ko ba naman kasi sa kasipag-sipagang IT director at professor namin kung bakit ayaw pa niyang magpa-exam. Nagsisi-uwian na ang lahat ng bakasyonistas sa probinsya habang kami’y nananitili pa.

Pero maliban din, sa wakas tapos na ang dalawang linggong gerahan, puyatan at patayan (na ngayon ay buhay pa naman) at masaya kong ipinagdiriwang ang aking katatagan sa hamon ng pagiging isang iskolar ng bayan.

Leave a comment